The Memoirs of Chauvin
View all entries from The Memoirs of Chauvin >
Philippines
November 7, 2008
Isang bayani ang ating hinangaan
Ngalan n'ya ay Rizal, daming kakanyahan.
Maraming tuligsa at s'ya'y kontrobersyal.
Ang 'di purong pinoy, ba't tayo'y nakintal?
Maraming pinuna sa mukha ng henyo
Mga akusasyon na s'ya'y "CONSCIOUS HERO"
Kapuri-puri ba sa isang bayani
Na ang kanyang dugo'y iba-ibang lahi?
Marahil sa akin 'to'y 'sang kabawasan
Sa mga mata ng ating kabataan.
Marapat isiping kanyang kabutihan,
Alay sa bayan ay 'wag pahalagahan.
Kuhila ka Paham! ka'y hindi huwaran
Minulat mo kami sa maling kaysipan.
Damdami'y pinukaw sa puso ng madla,
Upang marating mo 'yong pagkadakila.
More entries: Makibata 2008 (1), The Insights, KUHILA, The Uneducated Man, La déesse de l'enfer, La diosa de Netherworld, The Goddess of Netherworld, The Recollection, The Nationalist Economics, The Opportunity